Sunday, October 01, 2006

simbolo ng tapang at tagumpay

Sapagkat ang isang babae’y tinuring na mahina

Ikaw ay inalipusta’t ninakawan ng dangal

Ngayong ikaw ay lumaban, tinalikuran ka ng dapat sana sayo’y nagtatanggol

Ngunit di ka natinag, ni hindi ka natakot

Patuloy na hinarap ang unos na sayo’y humahamon

Sapagkat ikaw ay babae, nagpatunay na ika’y puno ng katapangan

Buong loob mong sinuong ang dagat na balot ng kadiliman

Hindi alintana ang kapahamakan sa iyong harapan

Kahit pa man kapalit nito’y iyong sariling kahihiyan

Dahil dito ang buong sambayanan sayo’y nagpupugay

Sa iyong paglagot sa tanikala ng kahintakutan at paglapastangan sa iyong karangalan

Babae…

Huwag kang mangamba

Narito sa iyong likuran ang buong hanay ng kababaihan

at ang buong sambayanan

Magpatuloy ka sa iyong laban, magpapatuloy tayo sa ating pakikibaka

Ito’y iyong laban, ito’y ating laban

At ito…

Ito ay ating pagtatagumpayan!





poem of support to 'nicole' from PAGKAKAISA NG KABABAIHAN (UNITY OF WOMEN)

Sept. 22, 2006

0 Comments:

Post a Comment

<< Home